alas kwatro ng umaga ay gising ka na
habang ang mundo tulad ng iba ay tahimik na
alam mong sa puso mo'y maraming naghihintay
kapag sumikat na ang araw ay nariyan ka na, Guro
pagod ay mawawala sa yong mga mata
makita mo lang kaming lahat ay masaya
sa mga munting labi may ngiti ng pag-asa
dahil sa iyo, kami ay namulat sa buhay, Guro
Guro, Guro, itinuro ang ganda ng buhay
sa aking kamalayan, ikaw ang tunay kong gabay
sa buhay, na makulay, Guro
ngayon ay nakita mo ang bunga ng iyong tagumpay
silang dati paslit na inkay mong mangarap
salamat sa lahat ng idinulot mo
nariyan ka lang, nariyan ka pa rin o aking Guro